gasd
Posted by exferiment_fairy at 06:21 PM on March 16, 2005.
Pamanahong Papel Para sa Nobelang Dekada ‘70
Ipinasa kay: Bb. Lacsamana
Noong Marso 15, 2005
Carizza Marie Aenlle Cortez CN#11
I.Bayograpikal Sa Pagsusuru ng Bayograpikal, nakikita natin ang
pananalamin ng awtor sa mga sa mga pangunahing tauhan. Katulad na
langmang ang mga ugali, personalidad, at paniniwala. Sa aking palagay,
nakikita si Luwalhati Bautista kay Amanda Bartolome. Katulad ni
Luwalhat Bautista, ay isang inang mahal na mahal ang mga anak. at
gagawin ang kahit ano para sa kanila. Inaamin din ni Luwalhati
Baustista na madaming pagkakapareho sa kanilang dalawa, na sa sobrang
pagmamahal nila sa knilang mga anak, na nakakalimutan na nila ang
kanilang sariling kaligayahan. MApapatunayan ito sa pahayag ni
Luwalhati Bautista ang ni Amanda Bartolome: “Ano man ang maging
dip’rensiya ng anak naming paglaki ay ipinapalagay naming diprensiya ng
pagpapalaki namin sa kanila.” –Luwalhati Bautista p.5 “Isang taon
nanaman ang nakalagpas sa buhay ko ng na wala akong giangawa. Oo,
marami akong giangawa…pero walang isa mang para sa ‘kin.”- Amanda
Bartolome Sa mga pananaw ni Luwalhati Bautista na naipapakita niya sa
pamamagitan ni Amanda, nakikita ko ang aking sariling ina. Madalas
niyang sinasabing pantay-pantay niyang mahal kaming mga anak niya at
madalas ko itong nakikita sa pagiisang –tabi niya parati ng kanyang
kaligayahan ay kagustduhan para lang sa kasiyahan ay kontentohan naming
magkakapatid.
II. Sosyolohikal Sa teyoryang Sosyolohikal, ipinapakita ang realidad o
ang katotohanan na nangyayari sa araw-araw nating buhay. Ma-i-aaply
natin ito sa nobelang Dekada ’70 hanggang 1983 kung saan naganap ang
mga napakalaking laman ng mga historical na libro ng Pilipinas ngayon.
Sa Dekada ’70, makikita natin ang madaming realidad na nagyayari sa
totoong buhay sa panahon na iyon, tulad na lamang ng Martial Law na
idiniklara ni Pangulong Marcos, ang mga napatay at nakulong na mga
taong walang kasalanan, at mga karapatang pantaong di nasunod.
Naa-apply ito sa libro, ang mga pagpapatunay na ito ay makikita natin
sa Pahina 82, huling paragraph
“Pumasok na ang 1975, sana’y isang maganda at mapayapa kahit di
masaganang bagong taon. Isang taon na kaligtasan sa mga
di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, reids, mass alrrest, encounter,
assassination, at mga pa-traitor na kamatayan.” –Amanda Bartolome Isa
pang halimbawa ng realidad sa libro na nangyayari sa totoong buhay ay
ang pagpatay sa mga taong tumataliwas sa kanyang gobyerno, hindi dahil
sa aasenso sila sa kabilang “partido”, kundi dahil di nila gusto ang
pagtatakbo ng kasalukuyang gobyerno. Sukang-suka na sila sa lahat ng
katarantaduhan na ginagawa o hindi dinagawa n gating gobyerno. At di
ito nagugustuhan ng gobyerno kung kaya’t gagawa sila ng kahit ano,
paralamang mapatahimik ang mga NPA na ito, kahit na ang ibig sabihin
non ay pagpatay sa kanila. Nakikita ito sa pahina 49:
“Headline: NPA, NAPATAY SA ENKWENTRO.”-Nabasa ni Amanda Bartolome
“P-pinatay nila si Willy, Mom! Patay na si Willy!”-Jules Sa aking
pananaw, ang may kasalanan kung bakit mayroong mga NPA na gumagawa ng
mga rally at nanggugulo, ay ang gobyerno mismo. Madalas sinasabi ng
aking mga kaklase na naiirita ang gma taong rally ng rally, bakit daw
hindi na lang pagusapan muna ang mga bagay sa pamamagitan ng paguusap
at hindi sa welga. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila nakikita
na napakaraming beses na silang gumagawa ng “appeasement” talks upang
magkasundo ngunit yung gobyerno ang siyang si nakikinig. Ano pa nga ba
ang gagawin ng mga NPA para mapansin sila n gating gobyerno. Ang di
nakikita ng mga tao, na kapang nagwewelga ang isang grupo, matagal na
silang nakikipag-areglo sa kanilang pinagraralyhan ngunit di ito
pinapakinggan kung kayat sila’y nagtatawag ng pansin upang amging
“aware” ang mga mamamayan.
III. Marxistang Pananaw Ang nakikita kong pinaka-ebidenteng marxistang
pananaw sa nobelang Dekada ’70 ay ang pananaw na tao vs. tao , Amanda
vs. Julian. Napakaraming beses nating makikita sa storyang Dekada ’70
ang ganitong marxistang pananaw. Isang parte sa
nobelang nagpapakita nito ay sa pahina 17:
“Dahil sila’y mga babae…at imposible para sa babae na kalabanin ang
lalake. It’s a man’s world” –Julian Bartolome
“Sang-ilan na lang at ang mga mo’y magiging opisyal na mga tao ng
panlalaking mundo,…ng mundong ito kung saan kayong mga babeo’y parang
dahong natutuyo sa sanga sa kahihintay sa ngiti’t pansin naming ma
lalaki hanggang maawa kaming isali kayo…” –Julian Bartolome Sa aking
pananaw, hindi na masyadong malaking isyu ngayon ang usapang lalake vs.
babae dahil mas “liberated” na ang mga taong magisip. Naniniwala ako na
ang rasong kung bakit bukas na ang mga pilipino sa ganitong pagiisip,
na pantay lamang ang kakayahan ng lalaki at kakayahan ng babae sa
ibat-ibang aspeto, ay dahil sa mga libro, katulad na lamang ng Dekada
’70 at Gapo, na parehong isinulat ni Luwalhati Bautista. Dahil sa mga
librong ito, bumukas ang makitid na pananaw ng gma Pilipino, lalo na
ang kalalakihan. II. Arrketipal. Nakikita natin ang ibat-ibang pananaw,
o mensahe ng may-akda sa pamamagitan ng mga bagay o pangyayari ng
kinagaganapan ng pangunahing gma karakter sa nobela. Isang pagpapatunay
nito ay makikita sa pahina
hahahaha. laaabo
hehe....sigs, expect to se experimental templates in the future!